--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinagawa sa Lunsod ang 8th FFC Training Camp Fire Fighters for Christ International na kauna-unahan sa Lunsod kung saan magkakaroon ng pagsasanay ang mga First Responders.

Dumating sa Lunsod kahapon ang delegasyon ng Firefighters for Christ International para isagawa ang limang araw na pagsasanay para sa City Disaster Risk Reduction & Management Council, Barangay Disaster Risk Reduction Management Council, members of the PNP, BFP and other participating government and private agencies.

Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan sinabi niya na ang organisasyon ng mga Fire Figthers ay binubuo ng mga bumbero mula sa US at Germany., limampu ang mula sa sa hanay ng BFP Region 2, na binubuo ng sampung SRF personnel, 20 personnel mula sa City of Ilagan Fire Station at 20 firefighters mula sa iba pang bayan ng Isabela.

Maliban sa sunog ay kabilang sa kanilang pagsasnaay ang pagtugon sa emergency cases.

--Ads--