Positibo ang reaksyon ng mga magsasaka sa lungsod ng Cauayan sa ipinamamahaging libreng abono ng Department of Agriculture.
Kahit papaano kasi ay malaking tulong ito sa kanila dahil mas makakatipid sila sa budget para sa pambili ng mga abono
Ayon kay Ginoong Pancho Cortez Sr., isa sa mga recipient ng fertilizer voucher, ang ganitong proyekto ng pamahalaan ay malaking bagay para sa kanilang mga magsasaka
Nagbigay din siya ng paghahalintulad noong panahon na kabataan pa niya dahil walang ganitong programa na mula sa pamahalaan.
Natuwa rin siya dahil kahit hindi makuha sa mismong schedule ng bawat Barangay ang fertilizer voucher ay maari itong sadyain sa opisina ng City Agriculture Office.
Samantala, nanawagan naman siya sa mga kapwa niya magsasaka na kung maari ay huwag ibenta ang kanilang matatanggap na abono kundi gamitin ito sa kanilang bukid
Ang fertilizer voucher ay programa ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng abono sa mga magsasaka na miyembro ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.