--Ads--

Suportado ng ilang Teachers Group sa bansa ang comprehensive sexual education sa mga paaralan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition sinabi niya kailangan lamang naman itong pag-usapan o matalakay sa mga stakeholders ng paaralan at mga magulang para ito ay maipatupad.

Iginiit niya na basahin muna ng mga kumokontra sa panukala ang nilalaman nito bago sila magbigay ng panig.

Ginagawa lamang aniyang exaggerated ang mga inilalabas na pahayag ng mga kumokontra dahil wala naman ito sa panukala.

--Ads--

Ang mga sinabi kasi aniya ng mga kumokontra sa panukala ay wala naman sa nilalaman ng panukala kaya nakakagulat na sila ay hindi pabor dito.

Ayon kay Ginoong Basas, kailangan ng mga mag-aaral na matuto sa nasabing usapin upang alam nila ang kanilang gagawin upang ito ay maiwasan sa kanilang murang edad.

Ang kailangan sa nasabing panukala ay tamang pagpapatupad at pagtukoy sa mga dapat at hindi dapat na gawing topiko kung ito man ay maging subject ng mga mag-aaral.