--Ads--

Dumating na sa bansa kagabi ang labimpitong tripulante matapos na sila ay pakawalan ng Houthi rebels sa Yemen.

Lumapag ang Oman Air flight 843 saa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa lungsod ng Pasay kagabi lulan ang 17 Pinoy seafarers.

Sinalubong sila ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, Department of Foreign Affairs Secretary (DFA) Enrique Manalo, Transporation Secretary Jaime Bautista at ilang opisyal ng gobyerno.

Ang mga tripulante ay crew ng M/V Galaxy Leader na binihag ng mga Houthi rebels sa Red Sea noong Nobyembre 2023.

--Ads--

Matapos ang pagpapakawala noong nakaraang araw ay agad na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapauwi sa kanila.