Nagbabala ang pamunuan ng Public Order and Safety division o POSD sa mga namamasadang tricycle sa Lunsod na huwag maningil ng sobra o mag overcharge.
Ito ay dahil sa inaasahang muling pagdagsa ng mga local tourist sa Lungsod dahil sa iba’t ibang mga aktibidad sa Lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSd Pilarito Mallillin sinabi niya na madalas naitatala nila ang over charging sa mga namamasada tuwing gabi kaya naman nagpatupad sila ng hakbang kung saan pinakukuha nila ng permit sa Police outpost ang mga tricycle driver na kinakontrata para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na ang mga nagpapahatid sa malalayong Bayan.
Babala niya na dapat pairalin pa rin ang taripa at iwasang mangontrata ng singil kahit hindi naman tumalima o nakipagkasundo ang pasahero.
Nagpaalala din siya sa mga pasahero na para makatiyak sa kanilang kaligtasa ugaliing tignan ang Operators ID sa loob ng tricycle kung saan nakalagay ang Pangalan ng driver at operator ng sasakyan.