--Ads--

CAUAYAN CITY- Dead on the spot ang isang Barangay Kagawad habang isa ang malubhang nasugatan matapos na sumabog ang nilagari nilang ‘Unidentified Ordnance’ sa Almaguer South, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nagkalasog-lasog ang katawan ng dalawang lalaki matapos sumabog ang nilalagari nilang unexploded ordnance (UXO) o pampasabog.

Inakala ng mga residente na sumabog na tangke ng gasul o transformer ang yumanig sa kanilang compound, subalit ayon sa PNP Bambang, unidentified ordnance ang sumabog.

Kinuha umano ito ng 42 anyos na Kagawad ng Baan, Aritao na isang ring contractor mula sa isang project site sa San Antonio North, Bambang at dinala sa Almaguer South kasama ang 33 anyos na tauhan niya mula Nueva Ecija.

--Ads--


Ayon kay Mang Francisco Silva, may-ari ng bahay kung saan naganap ang insidente, dumating ang mga biktima sa kanyang bahay dala-dala ang isang bakal na bagay na kasinlaki umano ng hita.

Dahil sa insidente ay nakatakdang irereconstruct ng Provincial Explosives and Canine Unit (PECU) ang natirang bahagi ng sumabog na bomba upang malaman kung anong klase ng pampasabog ang nilagari ng mga biktima .


Pinayuhan din ng mga otoridad ang mga residente na huwag gagalawin kung may mahukay na bomba o pampasabog at agad ipaalam ito sa pulisya..