Tatlong tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tinanggal sa kanilang posisyon kasunod ng isang kontrobersyal na insidente sa EDSA Busway noong Biyernes, Pebrero 7.
Kumpirmado ni PNP-HPG spokesperson PLt. Nadame Malang na ang kautusan ng pagtanggal ay ipinatupad noong Pebrero 7, at kabilang dito ang dalawang non-commissioned officer at isang commissioned officer.
Ang tatlong tauhan ng HPG ay nasa floating status na habang isinasagawa ang imbestigasyon, ayon kay Malang.
Nilinaw ng PNP-HPG na walang kinalaman si PNP Chief PGen. Rommel Marbil sa insidente at ang pahayag na ginawa ng opisyal ng HPG ay isang personal na opinyon lamang, hindi isang opisyal na direktiba mula sa organisasyon.
Matatandaan na naharang ng SAICT ang PNP-HPG convoy na puting van sakay ang isang mataas na opisyal ng PNP-HPG.
Nag viral sa isang kuhang video ang nagpahayag ng isang miyembro ng PNP-HPG na nagsasabing iniutuso umano ni PNP Chief Rommel Marbil na ipatigil ang ginagawang panghuhuli ng SAICT subalit sahalip na pagbigyan ay tiniketan parin ng SAICT ang mga nasitang moyembro ng PNP-HPG.
Sa hiwalay na pahayag kinumpirma ng Philippine National Police na ang mga pulis na nakita sa viral video ay mga piyembro ng HPG.
Muli nilinaw ng SAICT na hindi sila tatalina sa anumang kautusan mula sa PNP dahil tatalima lamang sila kung magbibigay ng written order ang DOTr dahil EDSA Busway ay proyekto ng ahensya.







