--Ads--

CAUAYAN CITY- Ikinasa na ang Commission on Election o COMELEC ang Operation baklas o OPLAN baklas sa pagsisimula sa campaign period para sa National Candidates.

Inihayag ni Election Officer Atty. Johanna Vallejo ng COMELEC Cauayan, na February 11 nagsimula ang campaign period para sa Senatorial Candidates at partylist kaya naman ikinasa nila ang Nationwide simultaneous OPLAN Baklas sa mga campaign materials na wala sa naitalagang common poster areas.

Sa kanilang datos 144 posters and tarpaulins ang natanggal nila sa buong Lunsod ng Cauayan.

Sa katunayan ay maaari aniya nilang sampahan ng kaso ang mga kandidatong lumabag sa elections acts partikular ang pagpapaskil ng campaign materials sa mga kawad ng kuryente at mga punong kahoy kung saan karamihan sa mga lumabag ay mga senatortial candidates.

--Ads--

Nagbabala naman ang COMELEC na unang bugso lamang ito sa kanilang operation baklas dahil mag sasagawa pa sila ng operasyon sa mga susunod na araw katuwang ang iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Ang mga kandidatong lumabag ay padadalhan ng notice para alisin ang mga campaign materials na wala sa tamang lugar at kung hindi parin tatalima ay maghahain na sila ng moto propio para harapin ng kandidato ang mga reklamong isasampa sa kanila.

samanatala, inihayag ni COMELEC Assistant Regional Director Jergbee Cortez na ang mga nabaklas na election paraphernalia o mga campaign materials ay itatago.

Batay sa kanilang obserbasyon may mga campaign materials ang kumupas na, nangangahulugan na matagal-tagal na itong nailagay ng ga supporter’s ng mga politiko.

Paniniwala ng COMELEC ang mga posters ay nailagay na bago pa man mag simula ang campaign period.

Ang mga nakolektang campaign materials ay magsisilbing ebidensya kaugnay sa paglabag sa election code ng ilang mga kandidato.

Ang mga kandidatong lumabag ay bibigyan ng notice at pagkatapos ng tatlong araw na hindi ito tatalima para ayusin ang kanilang pagkakamali ay maaari na silang sampahan ng kaso ng COMELEC.