--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinuspinde na ang pasok sa mga eskwelahan dahil sa halos isang buwan na pag-ulan sa  naturang bayan dulot ng Northeast monsoon at shear line.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant MDDR Officer Johnbert Neri sinabi niya na dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at makulimlim na panahon ay pinanga-ngambahan na ang pag-apaw ng mga ilog na maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian kaya naman nagkaroon ng pag-pupulong kung saan na pag-desisyunan ng mga guro maging ng Local Govenrment Unit ng Palanan na suspindehin ang pasok sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan.

Aniya sa ngayon ay makulimlim pa rin ang papawirin sa kanilang nasasakupan bagamat walang pag-ulan ngayong araw ay nanatili parin sa yellow warning ang antas ng tubig sa mga ilog dahil sa mabagal na paghupa ng tubig.

Sa ngayon hindi na madaanan ang kalsada sa boundery ng Bisag at Villa lourdes dahil sa mataas na antas ng tubig baha.

--Ads--

Binigyan rin ng mandato ang mga bangkero na huwag itawid sa ilog ang mga mag-aaral na nais tumawid para na rin sa kanilang kaligtasan.

Sa kasalukuyan naka alerto ang lahat ng mga Punong Barangay sa Palanan para sa mabilisang paglikas kung kinakailangan, handa na rin ang MDRRMO na I-activate ang kanilang command center para sa mabilisang tugon.