CAUAYAN CITY- Puspusan pa rin ang pagtutok ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Isabela 3rd District sa mga hindi pa natatapos na proyekto noong 2024.
Sa ngayon ay abala pa rin ang tanggapan sa pagsubaybay sa mga provincial at national roads at puspusan pa ang paggawa ng mga school building.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ceasar Agustin, Information Officer ng DPWH 3rd District, sinabi niya na maraming mga proyekto ang hindi pa natatapos ngayon tulad na lamang ng paggawa ng school buildings.
Ang pondo naman aniya ay parehong nagmumula sa Department of Education at sa DPWH katuwang ang mga Architect
Maagap naman umanong sinusulosyonan ang mga problema sa mga building at tinitiyak ng kanilang ahensya na pinapalitan na ang mga building na nakikitaan na ng bakas ng pagkasira.
Sa ngayon ay kaliwa’t kanang building na aniya ang ipinapagawa sa San Mariano, San Mateo, Cabatuan, Alicia, at Benito Soliven.
Katuwang ng ahensya ang mga architect na tumitingin kung delikado na ang isang building at kung dapat na itong palitan.
Karamihan naman aniya sa mga nakikitang building na mayroon ng mahigit tatlong dekadong nagawa ay binabakbak na dahil mayroon na itong mga crack.











