--Ads--

Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon sa abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. simula ngayong martes ay magtataas sila ng presyo ng produktong gasolina ng 80 centavos kada litro, 80 centavos kada litro sa diesel at 10 centavos kada litro ng kerosene.

Ganito rin ang taas-presyong ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz sa produktong gasolina at diesel.

Ang oil price adjustment ay epektibo ng alas-6 ng umaga ngayong Martes maliban sa Cleanfuel na magsisimulang magtaas presyo ng petrolyo mamayang ganap na alas-kwatro ng hapon.

--Ads--

Sinasabing ang bagong oil price hike ay dulot nang epekto nang nagdaang apat na araw na bentahan ng petrolyo sa merkado.