--Ads--

CAUAYAN CITY- Sumailalim sa orientation ang 65 na mga punong barangay sa lungsod ng Cauayan upang pag-usapan ang programang Tulong Pang-hanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Sa naging talakayan, ipinaliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung sino ang kwalipikado at hindi sa programa, ipinaliwanag pa ang pagpapasahod, at kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa pagta trabaho ng mga TUPAD beneficiaries.

Iginiit ni Marvin Curameng TUPAD coordinator, na hindi maaaring pumili ang isang barangay official ng kamag-anak o kaibigan na hindi kwalipikado sa TUPAD.

Hindi pwedeng mapabilang sa programa ang mga tumatanggap ng honorarium, allowance, o remuneration tulad ng mga brgy officials, private employee, tanod, estudyante, buntis, at iba pa.

--Ads--

Samantala sa guidelines naman ng DOLE ay pinahihintulutan naman na maging myembro ang 4Ps beneficiaries at mga senior citizen maging ang mga asawa ng mga tanod o private employee ay pwedeng mag apply.

Nilinaw naman ng DOLE at Public Employment Service Office o PESO na walang magiging favoritism sa pagpili ng mga myembro dahil dadaan pa ito sa screening o profiling ng PESO at DOLE.

Lahat naman ng gustong mapabilang sa programa ay maaaring magtungo sa Barangay Officials ngunit ang desisyon pa rin ay manggagaling sa PESO at DOLE.

Samantala sa pagtatrabaho naman ng mga TUPAD beneficiaries ay kinakailangan na ang mismong indibidwal na kasali ang dapat na maglinis. Hindi pinahihintulutan ang proksi para na rin sa seguridad ng mga  ito dahil hindi pananagutan ng GSIS sakaling may mangyaring masama sakanila.

Iginiit naman ng PESO office na ang profiling ay unang mangyayari sa barangay kaya dapat bago pa man mag abiso ang DOLE na magsisimula na ang profiling ay mayroon nang mga desididong residente ang nagpunta sa barangay upang matanggap.

Ayon kay Atty. Divina Gonzales, PESO manager, responsibilidad na aniya ng mga punong barangay na tanggapin ang sino mang kwalipikado dahil sila ang mas nakakakilala sa mga residente sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ni Atty., dapat lahat ng mga isusumiteng pangalan ng barangay ay 100% na kwalipikado sa naturang programa