CAUAYAN CITY- Nasakote ng hanay ng Isabela highway patrol group ang isang ginang sa villarta street brgy. District 1 cauayan city isabela dahil sa paglabag sa batas pambansa bilang 22 o pag iisyu ng talbog na cheke
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmajor Rey Sales ng HPG Isabela sinabi niya na ang suspek na kinilalang si alyas len len, 54 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar ay inaresto ng hanay ng hpg isabela sa bisa ng inilabas na arrest warrant ng korte suprema
Ayon da hpg, agad din itong nagbayad ng kanyang piyansa na nagkakahalaga ng 2000 pesos para sa kanyang pansamantalang paglaya
Nilinaw din ng ahensiya na bagaman sila ay nakatuon sa anti carnapping incident ay isinagawa nila ang pagdakip suspek dahil sila bahagi pa rin ng hanay ng mga pulis









