Sugatan ang dalawang mag-aaral matapos ang naganap na pamamaril sa bahagi ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PlLtCol. Medie Lapangan Jr. PCADU Chief ng Kalinga Police Provincial Office sinabi niya na ang mga biktima ay sina Keith Oplay Chaclag, dalawamput isang taong gulang at Earl Dave Bagtang Andomang, dalawampung taong gulang, pawang mga estudyante at residente ng Mallango, Tinglayan, Kalinga.
Bago ang insidente ay nagkaroon ng inuman ang dalawang biktima kasama ang iba pa nilang kaibigan sa isang resto bar at nang sumapit ang alas dos ng madaling araw ay pauwi na sana ang mga biktima at kasami nilang babae nang sundan sila ng mga suspek at hinarass ang mga biktima sa kanilang pagsakay sa motorsiklo.
Sinundan sila ng mga suspek at bigla na lamang bumunot ng baril ang backrider at pinaputukan ang mga biktima.
Nasugatan ang dalawang biktima na dinala sa Kalinga Provincial Hospital sa pamamagitan ng pribadong sasakyan.
Muling inilipat ang isa sa mga biktima sa San Juan General Hospital habang ang isa pang biktima ay dinala sa Divine Mercy Hospital sa Tuguegarao City.
Kusa namang sumuko ang suspek na si Happy Dudol ng Basao tribe, active na CAFGU Member at backride ng suspek na si Flores Palad nang mangyari ang pamamaril.
Sa ngayon ay nasampahan na ng kasong Frustrated Homicide ang suspek at kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng pulisya.










