--Ads--

Ikinagulat ng mga mangingisda sa Barangay Calandangan, Araceli, Palawan matapos na madiskubre ang isang parte ng katawan ng tao na nasa loob ng tiyan ng pating na kanilang nahuli noong Pebrero 15.

Ayon sa Palawan Police Provincial Office aksidenteng nahuli ang pating gamit ang “kitang”, isang tradisyunal na long line fishing method malapit sa Canaron Island, ilang milya mula sa Brgy. Calandagan, Araceli.

Nang dinala ang nahuling pating sa pampang, nadiskubre ng mga mangingisda ang isang parte ng braso na tinatayang nasa 12-talampakan ang haba sa loob ng tiyan ng pating.

Agad namang ipinaalam ito sa mga awtoridad habang inilibing naman ang nakuhang putol na kamay.

--Ads--

Makaraan ang dalawang araw, sinubukang tukuyin ng mga awtoridad ang fingerprint identification ngunit dahil sa naaagnas na ng braso ay hindi na ito maaaring gawin.

Nitong Pebrero 27, nagkataong nakarekober ng Coast Guard Station Batangas ang dalawang bangkay ng Russian tourist na namatay sa gitna ng diving sojourn malapit sa Verde Island, Batangas City.

Isa sa mga biktima ay wala ng kanang braso at hinihinalang inatake ito ng pating.

Sa kabila nito, wala pang kumpirmasyon kung ang nakitang braso sa tiyan ng pating ay may kaugnayan sa insidente sa Verde Island.