--Ads--

Marami nang mga dayuhan sa Estados Unidos ang nagpahayag ng kagustuhang bumili ng Gold Card Visa upang legal na manirahan sa US.

Matatandaan na kamakailan ay nagpahayag si US Pres. Donald Trump na plano nitong simulan ang pagbebenta ng gold card visa sa halagang $5 million para sa mga dayuhang nais na manirahan at magtrabaho sa Amerika.

Inihayag ni Bombo International News Correspodent Marissa Pascual, sinabi niya na bagama’t mahal ang halaga ng naturang visa ay marami naman itong features na maaaring ma-enjoy ng mga nag-aavail dito.

Isa na rito ang mas mabilis na proseso para makapag-secure ng US residency kung saan hindi na kinakailangang mag-antay ng ilang taon hindi gaya sa ilang mga visa cards holder.

--Ads--

Sa pamamagitan nito ay hindi na rin kinakailangan na mag-bayad ng tax ang mga Gold Card Visa Holder ng Tax sa US Government kung sila man ay kumikita ng pera sa labas ng America.

Lahat aniya ng benepisyo na nakukuha ng isang green card holder sa US ay sakop ng Gold Card gaya na lamang ng pag-invest, pagbili ng bahay, atbp maliban na lamang ang pagboto dahil tanging mga citizen lamang doon ang maaaring bumoto.

Umaasa naman umano si Trump na marami ang mag-aavail ng naturang Visa dahil tinatayang 135,000 ng mga millionaire sa Mundo ang inaasahang magma-migrate sa ibang bansa ngayong taon kung saan US at United Arab Emirates pangalawa sa kanilang top destinations.

Target umano ni Trump na magbenta ng 10 million Gold Cards na pupuno sa 32-33 trillion dollar-deficit ng US at magpapalago sa ekonomiya ng Estados Unidos.