--Ads--

Handa ang Lokal na pamahalaan ng Sta. Maria, Isabela na magbigay ng tulong sa tatlo nilang kababayan na kabilang sa mga nasugatan sa pagguho ng Sta. Maria-Cabagan Bridge.

Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong lulan ng Toyota Innova, na sina Ronel Catindoy, Non-Uniformed Personnel o NUP ng Divilacan Police Station, misis na si Dinkie Catindoy, NUP ng Santa Maria Police Station at anak nilang si Kierson, na pawang residente ng Calamagui, Santa Maria, Isabela.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Michael Pagauitan sinabi niya na nakapagsagawa na sila ng pag-pupoulong kaugnay sa insidente kung saan nagpasya silang sagutin na ang gastusing medikal ng Pamilya Catindoy ito ay matapos na kumalat ang post sa social media kaugnay sa paghingi ng tulong mula sa netizen para kay Kiefer.

Batay sa post nangangailangan si Kiefer ng mabilisang medical procedure para sa tinamo nitong matinding injury sa hita.

--Ads--

Isinaad din sa post na si Kiefer ay isang cancer survivor kaya kailangan ng madaliang aksyon para maiwasan ang anumang komplikasyon.

Ayon kay Vice Mayor Pagauitan na handa naman ang LGU na magbigay ng tulong para sa kanilang kababayan gayunman, nagbabala siya kaugnay sa pagpopost sa social media na maaaring samantalahin ng mga mga scammers.