--Ads--

Pinatunayan ni Dan Galanto na hindi lang lakas kundi balanse rin ang kailangan sa weightlifting!

Matapos ang ilang beses na pagsubok, nasungkit niya ang world record sa “heaviest single weight lifted by barbell overhead press while riding a unicycle” nang matagumpay na mabuhat niya ang 93 kilograms na barbel!

Hindi pa siya tumigil doon. Dinagdagan pa niya ng dalawa pang world records kung saan nakamit niya ang mga titulong “heaviest single weight lifted by dumbbell overhead shoulder press while riding a unicycle” at “heaviest weight lifted by barbell push press on a balance board”, kung saan natalo niya ang dating record holders mula United Kingdom at Italy.

Nagsimula ang pagkahilig ni Dan sa pagbubuhat noong 13-anyos siya, habang sa unicycling naman ay noong 16.

--Ads--

Bukod sa pagiging record-breaker, nagtuturo rin siya ng unicycling sa kanyang komunidad sa Grand Rapids, Michigan.