--Ads--

CAUAYAN CITY- Naitala ng PAGASA ang dangerous heat index sa Echague Isabela kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PAGASA Chief Meteorologist Ramil Tuppil, sinabi niya na naitala ang dangerous heat index sa Echague Isabela kahapon na pumalo sa 42.0-degree celcius.

Aniya bagamat nakaranas nitong mga nagdaang Linggo ng pag-ulan ang lambak ng Cagayan dahil sa shear line ay naranasan ang maalinsangan na panahon kahapon kaya naitala ang Echague Isabela sa danger category.

Samantala, naitala din kahapon ang pinakamainit na temperatura sa  Lungsod ng Tuguegarao na umabot sa 33.4-degrees Celsius.

--Ads--

Easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko ang nakaaapekto sa Cagayan maging sa mga kalapit na probinsiya.

Kaugnay rito, asahan umano ang maaliwalas at mainit na panahon lalo na sa tanghali.

Bagama’t nararamdaman na ang mainit na panahon, posibleng muling iiral ang Hanging Amihan sa araw ng Huwebes o biyernes pero mahina na lamang ang epekto nito hindi katulad ng mga nagdaang araw.

Ayon sa naturang tanggapan, posibleng ito na ang huling bugso ng Amihan bago ang opisyal na pagsisimula ng tagtuyot.