--Ads--

Isang Nissan Skyline R34 na may 43,860 LED lights ang opisyal na tinanghal ng Guinness World Records bilang “most LED lights on a car.”

Tinalo nito ang dating record na 37,671 LED lights noong 2020 sa Dubai.

Pagmamay-ari ito ni Alix Wilding mula UK, na inayos at binago ang sasakyan mula sa sira-sirang kondisyon.

Bukod sa pagpapalit ng kulay at pagpapakita ng patterns, kaya rin nitong ipakita ang Guinness World Records logo sa hood.

--Ads--

Gayunman, hindi ito maaaring patakbuhin sa kalsada dahil natatakpan ang rear windscreen at sobrang liwanag nito sa kalsada na maaring magdulot ng aksidente.