--Ads--

CAUAYAN CITY- Personal na sinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makabagong Rice Processing System II (RPS II) sa Barangay Ipil sa Echague, Isabela.

Ang Rice Processing System II ay pinasinayaan noong Nobyembre 2024 kung saan ito ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na may kabuuang halaga na ₱67.48 milyon.

Kabilang dito ang isang multi-stage rice mill na may kapasidad na tatlong (3) tonelada bawat oras na nagkakahalaga ng ₱48.58 milyon at limang (5) recirculating dryers kung saan bawat isa ay kayang magproseso ng 12 tonelada at nagkakahalaga ng ₱18.9 milyon.

Layunin ng programang ito na pababain ang mga gastos sa produksyon at bawasan ang mga pagkawala sa postharvest.

--Ads--

Inaasahan na makikinabang nang malaki ang lokal na industriya ng bigas, na magbibigay ng mas mataas na kita sa mga magsasaka at mas matatag na suplay ng bigas para sa mga mamimili.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodito Albano layunin nasabing inspection ni Pangulong Marcos sa Rice Processing System II na makita kung paano ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa distribution ng murang bigas sa mga vulnerable sectors kabilang ang mga magsasaka, fisher folks at mga senior citizens.

Nakikinabang anya sa nasabing program ang nasa 70,556 magsasakang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na nagtatanim sa 66,303 ektarya ng lupa.