--Ads--

Nakilala na ang natagpuang katawan ng lalaking nahulog sa irrigation canal habang lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Pambansang Lansangan sa purok Villanueva, Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.

Ang biktima (hindi na pinangalanan) ay 21-anyos, na residente din ng nabanggit na barangay.

Batay sa initial investigation ng Alicia Police Station lulan ng kaniyang motorsiklo ang biktima at patungo sa direksyong ng Cauayan City ng mawalan ito ng kontrol sa manibela at nahulog sa irigasyon.

Dahil sa pagkahulog ay naipit ang biktima sa mga bato na kalaunan ay naging sanhi ng kaniyang pagkalunod.

--Ads--

Sa pagtugon ng Alicia Rescue 531 ay agad dinala ang katawan ng biktima sa pagamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival (DOA) ng kaniyang Attending Physician bago dinala sa isang punerarya.