--Ads--

Tinangay ng mga magnanakaw ang higit 300,000 na halaga ng DepEd laptops sa bahagi ng Dupag, Tabuk City, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol. Medie Lapangan Jr, Chief ng PCADU ng Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya na nilooban ng mga magnanakaw ang Dupag National High School sa Tabuk City at nakuha ang mga issued laptops ng Deped.

Nakuha ng mga magnanakaw ang sampung laptop na nagkakahalaga ng mahigit P300,000 sa opisina ng Principal.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Dande Duco, Carlo Rirao na pawang residente ng nasabing lugar at si Jayson Palayan na residente naman ng Pinukpuk Kalinga.

--Ads--

Aniya naaresto ang tatlo matapos na tangkain nilang ibenta ang mga laptop sa Dagupan Public Market sa Tabuk City Kalinga at nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang sampung unit ng laptop na kanilang ninakaw.

Pinaalalalahanan naman niya ang publiko pangunahin na ang mga guro na may issued laptops na iuwi na lamang ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay at huwag nang iwan sa paaralan upang hindi mapag-interesan ng mga magnanakaw.