--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatakdang pa-imbestigahan ng pamahalang Panlalawigan ng Isabela ang may-ari ng Truck na dumaan sa Cabagan-Sta. Maria Bridge kasabay ng pagguho nito.

Matatandaan na isa sa mga itinuturong dahilan ng pagguho ng tulay ay ang pagdaan ng malaking truck na may kargang mga bato dahil tanging mga light vehicles lamang ang maaaring dumaan sa tulay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor, Rodolfo “Rodito” Albano, sinabi niya na batay sa CCTV Footage ay maraming mga truck ang dumaan sa tulay nang gabing gumuho ito.

Aniya, Iconic ang Cabagan-Sta. Maria Bridge ngunit aminado ang Gobernador na hindi akma ang nailaang pondo sa disenyo ng tulay.

--Ads--

Noong iprinesenta aniya ang disensyo ng tulay sa Department of Public Works and Highways o DPWH ay aabot sa 1.8 billion ang orihinal na magagastos para sa konstruksyon nito ngunit napababa ang pondo sa 800 – 1 billion pesos.

Maaaring ito ay resulta umano ng ‘underbudget’ na proyekto.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nasirang tulay dahil sa tinipid na pondo dahil tinangay din ng tubig ang isang overflow bridge sa Cabisera 8, City of Ilagan.

Ayon aniya sa contractor, aabot sa 200 Million ang pondo para sa overflowbridge ngunit pwede naman aniya itong magawa sa halaga lamang na 40-60 Million kaya mas pinili ng pamahalaan ang mas murang pondo ngunit agad ding nasira matapos umapaw ang tubig sa ilog.

Dahil sa mga insidenteng ito ay titiyakin nila na sa mga susunod na proyekto ay maglalan na sila ng mas malaking pondo upang matiyak na kalidad nito.