--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasungkit ng dalawang campuses ng Isabela State University ang ika-apat at ika-anim na pwesto sa Top Performing School for Criminology sa buong bansa.

Rank 4 ang ISU-Cauayan Campus na mayroong 88.72% passing rate kung saan 188 ang nakapasa sa 2025 Licensure Examination for Criminologists mula sa kabuuang 133 examinees.

Pumang-anim naman ang ISU-Echague Campus na nakakuha ng 88.12% kung saan mula sa kabuuang 101% examinees ay 88 ang nakapasa sa naturang board exam.

Maliban sa pagkakabilang ng dalawang ISU Campuses sa national ranking ay nasungkit din ni Alexis John Isaiah Medina na mula ISU Echague ang rank 6 sa katatapos na Licensure Examination for Criminologists.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rickmar Aquino, Preident ng ISU System, sinabi niya na dati nang maganda ang performace ng ISU System sa CLE dahil laging nahihigitan ng mga ito ang National Passing Percentage ngunit ito umano ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng Top Notcher sa naturang pagsusulit.

Ayon kay Dr. Aquino, ang magandang performance ng Unibersidad sa anumang board examination ay bunga ng mahigpit nilang admission at mataas na standards upang matiyak na mabigyan ng magandang kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral kabilang ang mga criminology students.

Mayroon din aniya silang ino-offer na libreng review ang College of Criminology para sa mga graduating student.

Kahit pagkatapos ng graduation ay patuloy pa rin umano ang pagbibigay nila ng suporta sa mga mag-aaral upang matiyak na maging maganda ang kanilang performance sa board exam.

Target naman ngayon ng ISU System na panatilihin o higitan ang maganda nilang performance sa Licensure Examination for Criminologists upang mas maging maganda pa ang pagbibigay nila ng magandang kalidad ng edukasyon.