--Ads--

CAUAYAN CITY- Dead on the spot ang isang lalaki matapos siyang magbaril sa sarili gamit ang isangs semi-automatic rifle sa Burgos St District 1. Cauayan City, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Ed di tunay na pangalan 29 years old, cashier sa STL at residente ng Tayabas, Quezon Province at kasalukuyang nakatira sa District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumalabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na dakong alas onse pa ng tanghali kahapon nang mapansin ng kasamahan nito sa apartment na hindi nila mahagilap ang nasabing lalaki.

Dahil dito ay hinanap umano nila si Ed subalit dakong alas siyete kagabi ay nagtungo umano ang kasamahan nito sa third floor at dito ay tumambad ang duguan at wala nang buhay na katawan ng biktima.

--Ads--

Katabi nito ang isang long firearm na lCZ Scorpio EVO 3 S1 na may magazine at may lamang 26 pcs na bala.

Dahil dito ay agad na siyang tumawag sa kanyang mga katrabaho at kalaunan ay naiulat din sa Cauayan City Police Station na siya namang nagsagawa ng pagsisiyasat.

Lumalabas nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima at mayroon ding suicide note na nakita malapit sa lugar.

Natuklasan din na ang ginamit na baril ng biktima ay pag mamay-ari ng kaniyang amo.

Maliban sa baril, bala at kanyang sulat ay narecover rin sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng bala at dalawang cellphone.

Sa ngayon ay patungo na sa lungsod ng Cauayan ang mga kaanak ng nasabing lalaki.