--Ads--

Nakatakdang magpakawala ng tubig sa Magat Dam mamayang alas-4 ng hapon, Marso 9 ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Sa panayam ng Bombo Radyo  Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na isang spillway gate ang kanilang bubuksan na mayroong isang metrong opening at may kabuuang volume na 180 cubic meters per second.  

Sa ngayon ay nasa 190.28 meters above sea level ang water elevation ng Magat Dam at malayo pa naman ito sa normal high level na 193masl.

Gayunpaman ay kinakailangan pa rin nilang magpakawala ng tubig upang mapanatili ang ligtas na water elevation dahil na rin sa mga nararanasang pag-ulan sa magat watershed dulot ng Shearline.

--Ads--

Target naman nilang ibaba hanggang 190masl ang elebasyon ng tubig sa Dam upang mayroon pa ring buffer stock ng tubig bilang paghahanda sa La Niña.

Samantala, simula Marso 16 ay magsisimula na ang cut-off sa Main Canal at North Diversion Canal na ginagamit para sa patubig ng mga magsasaka ngunit maglalaan pa rin sila ng tubig para sa 10,000 hektarya ng sakahan na nakalaan para sa second dry crop.