CAUAYAN CITY- Isang motorista ang inaresto ng mga otoridad matapos na takbuhan ang isang PNP check at binangga pa ang barikada ng
PNP.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Leonard Mamerga ang Deputy Chief of Police ng Roxas Police Station, sinabi niya na nagsasagawa sila ng checkpiont ng dumaan ang isang single motorcycle na inamaneho ng suspek.
Aniya sa halip na huminto ng parahin ay hindi nito pinansin ang checkpoint at binilisan nito ang pagmamaneho sanhi para bumangga pa sa barikada ng PNP.
Nagkaroon gng habulan hanggang sa ma-corner ang suspek sa Barangay Anao, Roxas, Isabela dito ay agad na inaresto ang suspek at ng kampakan ay nakuha pa sa kaniya ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) Suzuki Smash na may plaka at susi at isang (1) android phone.
Matapos ang dokumentasyon, dinala ang suspek sa Roxas Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Batay sa kanilang pakikipag ugnayan sa suspek napag-alaman na sangkot ito sa pag bebenta o pagtutulak ng shabu at sa kasalukuyan ay inaalam na nila ang mga kasamahan nito sa kalakalan ng iligal na droga.
Sa katunayan aniya dati ng sumuko o drug surenderee ang pinaghihinalaan kaya mahigpit din nila itong minomonitor gayunman ang pagkakadakip dito ay nagkataon lamang.
Nilinaw naman niya na hindi ito ang unang beses na may nagtangka na tumakas sa PNP checkpoint dahil noong nakaraang taon ay narekober din nila ang isang sasakyan na may lamang marijuana.
Sa ngayon ang suspek ay nasa pangangalaga ng Roxas Police Station at kasalukuyang nahaharap sa kasong pagbalag sa RA 9165 at Dis-obedience to person in Authority.











