--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinasinayaan na ngayong araw ang Home-Grown school feeding ng World Food Program at LGU Cauayan sa Cauayan North Central School

Ito ang pinakauna sa lahat ng paaralan sa buong Luzon na pagsasagawaan ng pilot implementation ng programa

Naglalayon ang programang ito na mabigyan ng libreng pananghalian ang lahat ng mga estudyante ng paaralan sa loob ng dalawang taon.

Sa ilalim ng programa, dalawang taon na magkakaroon ng libreng pananghalian ang bawat mag aaral ng nasabing paaralan

--Ads--

Manggagaling ang pondo ng fortified rice at iba pang mga kagamitan sa hanay ng World Food Program habang ang mga ulam para sa bata ay popondohan ng Lokal na pamahalaan

Katuwang din dito ang City Cooperative Office na siya namang panggagalingan ng mga ilulutong ulam para sa mga bata

Ibig sabihin, manggagaling sa mga magsasaka na miyembro ng kooperatiba ang lahat ng mga raw materials na gagamitin para sa feeding program

Sa loob ng dalawang taon, makakasama rin ang mga magulang bilang manpower sa paghahanda ng mga pagkain.