--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakiisa ang lokal government ng lungsod ng Cauayan sa pagdiriwang ng fire prevention month ngayong buwan ng Marso

Sa isinagawang flag raising ceremony ngayong umaga na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection Cauayan, nagpakita ng year report kung saan binigyang pansin nila ang mga sunog at grass fire na kanilang nirespondehan

Kasama rin dito ang isinasagawa nipang tie up sa ibat ibang organisasyon para sa pagsasagawa ng fire drill at bilang pangunahing ahensiya na mangunguna sa fire prevention month, nagbigay aliw din ang BFP sa pamamagitan ng mascot at dance number na nagpapakita na hindi lang sa pag-apula ng sunog magaling ang mga bombero kundi pati rin sa ibang aspeto.

Binigyang kasagutan din ng BFP ang karaniwang katanungan ng publiko sa kanilang hanay gaya na lamang ng kung bakit binubugahan ng tubig ang katabing bahay ng isang pasilidad na nasusunog, kung bakit mabilis nauubos ang laman ng fire truck at iba pa.

--Ads--

Nagbigay din ng trivia ang ahensiya kung bakit tinawag na fire truck ang sasakyan ng mga bombero ay dahil nauuna muna ang sunog bago ang truck

Dalawang tricycle din ang napasakamay ng BFP na magagamit para sa kanilang mga event