--Ads--

Mahigpit ngayong minomonitor ng Department of Trade of Industry o DTI Isabela ang bentahan ng vape o electric cigarettes sa mga menor de edad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mel Mari Angelo Laciste ang Consumer Protection Division ng DTI Isabela, sinabi niya na patuloy silang nagsasagawa ng enforcement sa pagpapatupad ng Republic Act 11900 o Vape Law.

Maliban sa mga nagbebenta o retailers ay binabantayan din nila ang paggamit ng vape products sa public places o pampublikong lugar.

Sa ngayon ay may malawakan silang monitoring at enforcement kung saan may ilang produkto ang nakitaan ng kawalan ng tax stamps, giit niya na bagamat hindi sila nanghuli at nagsagawa sila ng forum kasama ang lahat ng vape retailers.

--Ads--

Dito ay tinalakay nila ang saklaw ng batas ng RA 11900 para matiyak na hindi sila lumalabag sa batas partikular ang pag-iwas sa pagbebenta sa mga menor de edad.

Isa sa paraan para matiyak na hindi mabebentahan ang mga bata may edad 18 pababa ang pagpapaskil ng sinage na hindi sila nag bebenta sa mga bata.

Ipinagbabawal din ng batas ang pag bebenta ng vape sa mga lugar na malapit sa mga bata gaya ng eskwelahan.

Nararapat ding may verification sa edad ng customer gaya ng pag papakita ng ID.

Ipinagbabawal din ang self-service dahil dapat may sale representative na siyang magbibigay serbisyo.

Tinitignan din ang pagbebenta ng vape juice at kailangan ito ay tamper-proof o resistant, may child-lock, hindi nakalagay sa packaging na makukulay o may mga prutas at dapat hindi mataas ang nicotine level.

Ang pinakamahalaga aniya ay ang tax stamp at graphic warning sa mga masamang epekto ng vaping.

Kung matatandaan, taong 2022 nang maging ganap na batas ang RA 11900 kung saan noong 2023 ay nagkaroon ng lock of supply o bumama ang supply ng vape products kaya bumama rin ang bilang ng mga nahuhuli ng DTI.

Isa sa dahilan nito ay ang mga retailers na naghintay na lumabas ng mga certified products bago muli mag benta.

Ngayong dumadami na muli ang mga nabibigyan ng certification sa pagbebenta ay mas paiigtingin na nila ang panghuhuli ng mga iligal at uncertified vape products katuwang ang kanilang enforcement unit mula sa DTI head office.

Ang mga mahuhuling retailers na nagbebenta ng uncertified products at iligal na vape products ay dadaan sa adjudication kung saan magkakaroon ng confiscation at sealing ng mga vape products habang ang mga bultuhan ay maaaring masampahan ng paglabag sa RA 11900 at masampahan ng kaso.