--Ads--

Ikinagulat ng isang Political Analyst at Contitutionalist ang pag-aresto ng mga awtoridad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang warrant of Arrest na inilabas ng International Criminal Court laban sa dating Pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Contitutionalist , sinabi niya na hindi ito ang inaasahan niyang proseso na gagawin ng ICC sa pag-aresto kay Duterte.

Aniya, dapat mayroong transparency kung saan inaanunsiyo dapat sa Publiko na mayroon nang nailabas na warrant of arrest.

Giit ni Atty. Yusingco na hindi ito ang alam niyang tamang proseso dahil nauna pa ang pagkuha sa kustodiya ni Duterte bago ipabatid sa publiko na mayroon nang nailabas na mandamiento de aresto.

--Ads--

Tila hindi umano nasunod ang tamang proseso ng ICC sa ilalim ng Rome Statute.

Inaasahan aniya nito na mayroong iaakyat sa korte suprema na due process concerns ang legal counsel ni Duterte upang kwestiyunin ang proseso.

Dahil dito ay hindi naman umano malabo na magkaroon ng malawakang protesta.