--Ads--

Malabo nang mahabol pa ng mga korte ng Pilipinas ang magiging paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kaugnay pa rin sa kaso ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na crimes against humanity.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, bilang dating regional trial court judge, aniya mayroong rules ang ICC na hindi na nakapaloob sa hurisdiksyon ng Philippine Court.

Ani Santiago, ang mga rules na ito ang nagsasaad na kahit hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas ay mananatiling may hurisdiksyon ang ICC dahil nangyari ang mga naging aksyon ng dating pangulo noong bago pa kumalas ang bansa sa ICC.

Ayon pa kay Santiago, hindi na maaabot ng kaniyang pagiging RTC judge ang mga diskusyon gaya nito dahil masyado na aniyang high-level ang usapin tungkol dito.

--Ads--

Aniya, ito ay tanging masasagot lamang ng ICC dahil sila ang nagsasabi at nasa ilalim ng kanilang korte ang rules na nagsasabing maaari pa rin nilang imbestigahan ang mga nangyari sa madugong war-on-drugs ng dating pangulo.

Samantala, nananatili naman umanong walang kinikilingan ang ahensya sa mga naganap noong mga nakaraang araw maging sa isinampang kaso ng kanilang ahensya kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga naging death threats nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.