Naghahanda na ang hanay ng Isabela Highway Patrol Group para sa nalalapit na Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rey Sales,sinabi niya na sa ngayon ay mayroon na silang nabuo na deployment plan at ito ay nakapaloob umano sa kanilang Oplan SumVac.
Pangunahing tututukan ng kanilang hanay ang mga lugar na inaasahang dadagsain gaya na lamang ng simbahan, terminal at iba pang matataong lugar.
Imomonitor aniya nila ang mga dalang sasakyan ng mga residente upang maiwasan ang carnapping.
Maglalagay din sila ng Motorists assistance desk katuwang ang Philippine National Police at iba pang mga force multipliers.
Simula sa araw ng Sabado, ika-12 ng Abril ay magsisimula nang suriin ng HPG ang mga pampublikong sasakyan sa mga termimals upang matiyak ang road worthiness ng mga ito.
Maging ang mga Driver at Konduktor ay iinspect din ng kanilang hanay upang masiguro na ang mga ito ay capable na bumiyahe wala sa impluwensiya ng nakalalasing na inumin at mga ipinagbabawal na gamot.










