--Ads--

CAUAYAN CITY- Umarangkada na ang unang araw ng Regional Schools Press Conference 2025 na kasalukuyang ginaganap sa Isabela Convention Center.

Nagsilbing guest speaker sa openning ng RSPC 2025 si Senator Risa Hontiveros.

Sa kaniyang talumpati ay ibinahagi niya ang kaniyang sariling karanasan bilang isang mamahayag noon.

Binigyang diin niya ang kahalagahan ng media para malabanan ang fake news, hinikayat din niya ang mga young media practitioner na huwag lamang makinig at magmasid kundi makiisa sa paghahatid ng impormasyon sa publiko.

--Ads--

Samantala,sa pagsisimula ng Regional Schools Press Conference 2025 na ginaganap ngayon dito sa Lungsod ng Cauayan, iba’t ibang mga deligado mula sa Schools Division Office sa lambak ng Cagayan ang bitbit ang kani kanilang mga kalahok

Siyam na SDO na bumubuo ngayon sa RSPC 2025 na kinabibilangan ng SDO Nueva Vizcaya, SDO Quirino, SDO Santiago, SDO Cauayan, SDO Ilagan, SDO Isabela, SDO Tuguegarao, SDO Cagayan at SDO Batanes

Bawat opisina ay naging puspusan ang paghahanda sa pamamagitan ng masusing pag eensayo at pag aaral para sa kumpitisyong ito

Ngunit iba ang sitwasyon para sa mga deligado ng SDO Batanes, hindi lang kasi mga kalahok ang kailangan nilang ihanda kundi maging ang kanilang mga sarili, usapin sa pinansiyal at diskarte kung papaano makakarating ng Isabela mula sa Isla ng Batanes

Ayon kay Education Program Supervisor Myrna Agudo ng SDO Batanes hindi naging madali ang kanilang naging sitwasyon bago makarating dito sa lungsod

Aniya, sa usapin palang ng pinansiyal ay hindi na biro dahil libo libo ang kailangan nilang gastusin para sa kompetisyo

Dagdag pa rito ang hirap na naranasan nila sa paglalakbay dahil kailangang magpabalik balik ng kanilang sinasakyang eroplano para mahakot ang mga deligado ng Batanes

Inihayag din niyang April 1 pa sila nandito sa Isabela upang masiguro na lahat ng kanilang mga kalahok ay makakapunta

Samantala, positibo ang reaksiyon ni Anthony Horlina, Photojournalist mula SDO Batanes sa kabila ng mga pinagdaanan bago makarating sa lungsod
Ayon sa kaniya, bagaman nanibago sila sa klima at kapaligiran sa lungsod, sapat na ang ilang araw nilang pamamalagi upang makapag adjust

Tiwala siya na sapat ang kanilang naging paghahanda upang maipakita ng kanilang hanay ang kakayahan na mayroon sila