--Ads--

Inasahan na ng ilang grupo ng transportasyon sa bansa ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na pagpayag sa mga unconsolidate jeepney drivers at operators na muling mamasada.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ariel Lim, convenor ng National Public Transport Coalition, sinabi niya na mayroong nakitang butas si DOTr Secretary Vince Dizon sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Muli namang pinag-aaralan ng kagawaran ang programa upang matiyak na maitupad ito ng maayos at matugunan ang hinaing ng mga stakeholders.

Pagkakataon na aniya ito para sa mga unconsolidated jeepney drivers para ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap dahil bukas naman umanong makinig ang bagong pamunuan ng DOTr.

--Ads--

Umaasa siya na hindi mabahiran ng korapsyon ang programa pangunahin na sa pagbili ng mag bagong transportation unit lalo na at mayroong iregularidad sa labis na pagtaas sa presyo nito.

Nilinaw niya na hindi siya tutol sa jeepney modernization basta maayos ang implementasyon nito at matiyak na hindi mabura ang jeepney sa bansa.

Mini-bus na kasi aniya ang hitsura ng mga bagong unit kaya naman iginiit nito na pwede namang I-modernized ang mga jeep nang hindi inaalis ang orihinal na features nito na tatak Pilipino.