CAUAYAN CITY- Umaasa ang isang guro sa lungsod ng Cauayan na makapag-uuwi ng mas maraming kampyonato ang Schools Division Office (SDO) Cauayan.
Ito ay dahil host ang Lungsod ng Cauayan sa ginaganap na ginaganap na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Gamueda, President ng School Paper Organization – Region 2 at kasalukuyang guro na nakabase sa SDO Cauayan, sinabi niya na hindi nawawala ang pag-asa niyang mas maraming kalahok sa SDO Cauayan ang makakapasok sa National Schools Press Conference (NSPC) 2025.
Ito ang kanyang inaasam ngayong taon ngunit batid niya na handa rin ang ibang mga kalahok mula sa ibang SDO.
Gayunpaman, naniniwala siya na anuman ang maging resulta ng kompetisyon ay tiwala siyang magkakaroon ng magagaling na delegado ang Lambak ng Cagayan sa darating na NSPC sa Ilocos Region.











