--Ads--

CAUAYAN CITY-Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan sa tanggapan ng Commision on Election (Comelec) kaugnay sa nalalapit na halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SJO3 Joseph Bautista, Officer in Charge, sinabi niya na tanging ang Comelec Cauayan lamang ang kanilang nakakausap dahil ito lang ang nagsagawa ng Sattelite registration sa lugar.

Dahil dito ay masusi nilang inaaral ang magiging takbo ng pag boto ng mga PDL’s at titiyakin din ng ahensya na magiging maayos ang pagpasok at paglabas ng mga election servers maging ang Automated Counting machine.

Wala naman aniyang posibleng panganib na mangyari sa loob BJMP precint lalo pa at bantay sarado ang mga PDL’s.

--Ads--

Dagdag pa ni SJO3 Bautista, mahigit 50 na PDL’s lamang ang inaasahang botante ng lungsod mula sa mahigit 140 na bilang ng mga PDLs na nasa loob.

Ang ilan kasi aniya sa mga ito ay mula sa iba’t-ibang bayan pa at hindi na rin aniya rehistradong botante ang ilan dahil sa ilang eleksyon na ang nagdaan na hindi sila nakapag boto.