Inakusahan ng isang social media influencer si dating Presidential Spokesman Harry Roque na nasa likod umano ng kontrobersyal na deep fakes video na nagpapakita ng diumano’y paggamit ng illegal na droga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isiniwalat pa ni Vlogger Vicente Bencalo “Pebbles” Cunanan na ang nangyaring private dinner noong Hulyo 7, 2024 sa Hong Kong ay isinagawa matapos ang pro-Duterte event o ang Maisug Rally kung saan dumalo si Roque, dating executive secretary Vic Rodriguez at influencers Atty. Glen Chong, Atty. Trixie Cruz-Angeles, Dr. Lorraine Badoy, Sass Rogando Sassot, Joie de Vivre at Tio Moreno.
Sa nasabing dinner, sinabi umano ni Roque na natanggap nito ang screenshot mula sa isang kamag-anak ng isang pulitiko kung saan isang lalaki ang pinalabas na si Pangulong Marcos sa paggamit ng cocaine.
Pinag-usapan din umano ng grupo ng nasabing gabi kung paano ipakakalat ang video sa publiko na hindi dapat ma-expose ang kanilang pananagutan.
Ang Tri-Comm na binubuo ng Committees on Public Order and Safety, Information and Communication Technology at Public Information ay nagsasagawa ng pagdinig tungkol sa fake news at misinformation sa social media.







