--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasado na ang End of School Year Rites 2025 sa iba’t ibang mga paaralan sa ilalim ng Department of Education o DepEd Region 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dr. Benjamin Paragas ng DepEd Region 2 sinabi niya na ang End of School Year Rites 2024-2025 ay kasado na, sa katunayan aniya ay nagsimula na ang ilang mga paaralan sa ilalim ng DepEd Region 2.

Sa kabila nito ay may paalala ang DepEd sa alituntunin na nakapasailalim sa DepEd Roder number 27 siries of 2025.

Ang kautusan ay naglalayong bigyan ng paalala ang mga paaralan sa pagsasagawa ng End of School Year Rites sa Kindergarten, Grade 6, Grade 10, Grade 12 at maging mga graduate sa ilalim ng ALS o Alternative Learning System.

--Ads--

Nakapaloob sa kautusan ang mga provision ng DepEd Order number 009 series 2023 isa rito ay ang pag conduct ng simple subalit meaningful graduation ceremony.

Alinsunod dito ay hindi dapat irequire ang paggamit ng toga maliban na lamang kung mapag kakasunduan ito ng Parent Teacher Association o PTA.

Nasa ilalim din nito ang kautusang nagsasaad na anumang off-campus activities gaya ng field trip o anumang school event ay hindi dapat gamitin bilang graduation o school requirement.

Para sa mga pampublikong paaralan anumang gastusin sa End of School Year Rites gaya ng maintenance at iba pang operational expenses ay dapat nakapaloob sa MOOE ng bawat eskwelahan.

Walang sinomang DepEd personnel ang pinahihintulutang maningil ng contribution o graduation fee alinsunod sa DepEd Order 19 series of 2008.

Ang format naman ng certificate maging diploma ay dapat angkop sa DepEd service mark and visual identity manual.

Samanatala, may paalala din ang DepEd sa nalalapit na halalan sa Mayo, ayon kay Dr. Paragas lahat ng mga DepEd Official kabilang ang 3rd level officials mula Assistance School Division Superintendent, teaching at non-teaching personnel ay pinagbabawalang makisali sa anumang uri ng electioneering and partisan political activities.

Paalala ng DepEd na dapat panatilihiing solemn ang End of School Year Rites at sundin ang program flow, aniya hindi dapat bigyan ng pagkakataon ang sinomang bisita o politiko na samantalahin ang graduation at closing ceremonies para gamitin itong plataporma para mangampaniya.