--Ads--

CAUAYAN CITY- Muli ay may paalala ang Commission on Election o COMELEC kaugnay sa pakikilahok sa partisan politics.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Assistant Director Atty. Jerbee Cortes ng COMELEC Region 2, sinabi niya na ilang beses na nilang inihayag na ipinagbabawal ang pakikisali ng mga empleyado ng Pamahalaan partikular ang mga appointed Government Employee sa partisan politics.

Samanatala, nagsimula na sila ng pagsasanay para sa 98 board of canvassers na nagsimula noong april 7 at matatapos sa April 12.

Aniya, ang mga board of canvassers ang siyang naka toka sa proclamation ng mga mananalo mula sa Municipal, City level at Provincial level, wala rin aniyang pagbabago sa kompisisyon ng board of canvassers.

--Ads--

Maliban sa mga canvassers ay sinasanay narin ng COMELEC ngayon ang computer opertator na siyang tututok sa makina.

April 16 ay sisismulan na rin ang delivery ng Automated Counting Machines o ACM’s.