--Ads--

Isang babae sa Alaska, U.S.A. ang nagtakda ng bagong record sa Guinness World Records nang sukatin ng isang dentista ang laki ng kanyang bibig na umabot sa 2.98 inches, na pinakamalaki sa buong mundo para sa isang babae.

Si Marie Pearl Zellmer Robinson, residente ng Ketchikan, Alaska, ay matagal nang alam na malaki ang kanyang bibig, ngunit hindi niya naisip na ito ay maaaring magtala ng record.

Hanggang makita niya ang video ng previous record-holder na si Samantha Ramsdell, na may bibig na 2.56 inches ang lapad noong 2021.

Matapos ang ilang pagsukat sa kanyang bibig, napag-alaman na ito ay may sukat na 2.98 inches, kaya nakuha niya ang titulo ng “Largest Mouth Gape (Female)”.

--Ads--

Sa kabila ng kanyang kakaibang katangian, inamin ni Robinson na hindi na niya madalas ipinakikita ang laki ng kanyang bibig dahil minsan, nagiging sanhi ito ng kaba o takot sa ibang tao.

VIA Philstar