Umabot na sa 46 na vehicular accident ang naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ngayong buwan ng Abril.
Ito rin ang simula ng deployment ng mga PNP Personnel sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVVPO) para sa Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, Information Officer ng NVPPO, sinabi niya na karamihan sa mga mga aksidenteng naitala ay Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property ngunit may ilan namang nasawi dahil dito.
Ilan sa mga sanhi ng aksidente ay ang pag-malfunction ng mga sasakyan habang ang ilan naman ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.
Bilang tugon sa ganitong mga insidente ay mas pinaiigting ng NVPPO ang pagbabantay sa mga checkpoints maging ang paglalagay ng mobile force sa mga pangunahing kalsada.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Public Works ang Highways (DPWH) para sa paglalagay ng mga warning signs sa mga accident prone areas maging ang rumble strips upang matiyak ang pagiging alerto ng mga motorista.











