--Ads--

Inihayag ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS na libre ang pagtungo sa Magat Dam ngunit may mga panuntunan na dapat sundin ng mga bibisita rito ngayong Holy Week.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Marlon Siaden, Officer-in-Charge ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS sinabi niya na sa kabila ng pagiging libre ng pagbisita sa Magat Dam ay may mga panuntunan pa rin namang dapat sundin ng mga turista.

Aniya bawal ang pagpapalipad ng drone, pagdadala at pag-inom ng alak, pagdadala ng mga deadly weapons at pwedeng magdala ng pagkain at drinks ngunit sa bahagi ng Magat Park lamang at bawal dalhin sa mismong dam.

May mga libreng cottages sa Magat Park na first come first serve kaya maiging agahan ang pagtungo upang may magamit sa pagbisita at anumang gaganaping pagtitipon.

--Ads--

Pinapanatili rin ang kalinisan sa lugar kaya pinapaalalahanan nila ang mga turista na iuwi na lamang ang mga basura o dalhin sa malapit na basurahan.

Tiniyak naman niya ang mag-aasiste sa mga mayroong sasakyan sa tamang paradahan maging ang mga mag-aasiste sa mga PWDs na kailangan ng wheelchair.

Aniya tuwing mahal na araw ay maraming turista ang nagtutungo sa Magat Dam at nararanasan ang kawalan ng parking area kaya may mga itinatalaga silang guards at augmentation mula sa Bureau of Fire Protection o BFP.