--Ads--

CAUAYAN CITY- Puntirya ng Isabela Police Provincial Office na mapanatili ang mapayapang paggunita ng Semana Santa sa buong Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director PCol. Lee Allen Bauding ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), sinabi niya na tahimik pa rin naman ang buong probinsya ng Isabela ngunit mas pinaigting pa nila ang deployment ng mga Pulis.

Partikular sa mga binabantayan nila ang mga pook pasyalan, simbahan at resorts.

Sa katunayan aniya ay may mga Motorist Assistance Desk silang ipinakalat sa buong Lalawigan na siyang aalalay sa mga motorista.

--Ads--

Sa ngayon ay tahimik siyang nag oobserba sa deployment ng bawat PNP personnel na ang prayoridad ay ang seguridad ng publiko.