--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakasailalim na sa red alert status ang buong Summer Vacation task force simula ngayong araw.

Ibig sabihin, full alert ang lahat ng hanay ng mga rescuers, barangay officials at mga law enforcement agency sa mga ilog, resort, kalsada at mga terminals.

Ito ay upang masiguro ang mapayapa at maayos na long holiday lalo na sa mga lugar ang dadagsain ngayon ng mga tao.

Ayon sa Special Operations Officer II ng CDRRMO Cauayan na si Ginoong Michael Cañero, ang red alert status ay hindi nangangahulugan na magkakaroon ng paghihigpit sa mga residente at mamamasyal sa lungsod kundi ito ay direktiba sa lahat ng mga assigned task force ng mas full alert na pagbabantay sa kani kanilang mga puwesto.

--Ads--

Kaugnay din nito, Activated na rin ang mga communication device ng lahat ng mga task force paras sa mas mabilisan na pagtatawid ng impormasyon.

Kabilang din sa mga bumubuo ng task force ay ang hanay ng Rescue 922, PNP, BFP, HPG, Brgy. Officials at concerned agency na tutulong ngayong long weekend.

Ang mga command bases naman ng Command Center ay naka standby na rin para sa agarang pg aksyon sakali mang magkaroon ng hindi inaasahang insidente.

Muli ring nagpapaalala ang CDRRMO Cauayan sa publiko na bawal ang pagdadala ng inumin sa tabing ilog at ipinagbabawal din ang mga nakainom ng alak na pupunta sa mga ilog.