--Ads--

Walang bakasyon ngayong holiday season ang mga opisyal ng Barangay dahil kailangang bantayan ang komunidad ngayong semana santa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Juanito Estrada ng Labinab Cauayan City sinabi niya na ang mga opisyal ng brgy ay full force sa pagbabantay upang matiyak ang mapayapang pag-obserba ng Semana Santa.

Una nang naglabas ng utos ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga barangay officials na wala silang bakasyon upang mabantayan ang kanilang area of responsibility.

Pangunahin nilang binabantayan ang mga pagtungo ng mga mamamayan sa ilog upang magpicnic dahil sa maaring maitalang insidente ng pagkalunod at kaguluhan dahil sa pag-inom ng nakalalasing na inumin.

--Ads--

May mga opisyal ng barangay na aniyang mag-iikot sa mga ilog upang mabantayan at mapaalalahanan ang mga taong nagtutungo rito bagamat mababaw lamang ang ilog ngayon dahil sa tag-init.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang mga residente na nagtutungo sa ilog para magpicnic na maging disiplinado at mas maiging pagkain na lamang ang dalhin kaysa alak upang makaiwas sa mga insidenteng sanhi ng kalasingan.