--Ads--

Narekober ng mga pulis at sundalo ang samu’t-saring kagamitang pandigma na hinihinalang pag-aari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng Alcala, Cagayan nitong ika-17 ng Abril.

Nagkasa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng mga otoridad matapos na ibahagi ng isang dating kasapi ng CTG na sumuko sa pamahalaan ang kinaroroonan ng mga kagamitang pandigma.

Nakita sa lugar ang isang sako na naglalaman ng samu’t-saring gamit pandigma na kinabibilangan ng 7 bala ng CTG 40mm HEDP; 4 na bala ng grenade rifle BM76B; 1 bala ng grenade rifle M76; 1 bala ng grenade rifle M76AI; 4 na talampakang pulang commercial detonating cord; 2 non-electric blasting caps; 38 na bala ng CTG Cal. 7.62mm Ball; 2 magasin (20 rounder); isang 5.56mm magasin (30 rounder); 1 M203 grenade launcher na burado ang serial number; mga subersibong dokumento at iba pang personal na kagamitan ng mga rebelde.

Ang mga narekober na kagamitan ay dinala sa himpilan ng Alcala Police Station matapos at pagiimbentaryo, pagmamarka, at pagkuha ng larawan para sa dokumentasyon.

--Ads--

Patuloy naman ang mga isinasagawang operasyon ng mga otoridad upang tuluyan nang masugpo ang terorismo sa buong lambak ng Cagayan.