--Ads--


CAUAYAN CITY- Arestado ang isang cellphone technician na nahaharap sa kasong rape at sexual assault pagkatapos itong makorner ng mga otoridad sa Brgy. Placer, Benito Soliven, Isabela.


Hindi nakaligtas sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Benito Solivien Police Station bilang lead unit, RID, PRO2, PIU-IPPO, PIDMU-IPPO, CIT-Santiago City RIU2, RIU NCR-IG DSOU, NPD-NCRPO, 201st MC-RMFB2, at 4th pltn, 1st IPMFC si alyas “Rigor” na binansagang No. 7 Topmost Wanted Person ng NCRPO Regional Level, No.1 Provincial Level sa Metro Manila at No. 2 Municipal Level, City of Manila para sa kasong Statutory Rape at Sexual Assault.


Inihain sa naturang suspek ang warrant of arrest na ipinalabas noong Enero 23, 2024 ng Presiding Judge, Family Court National Capital Judicial Region, Br. 6, Metro Manila para sa mga nabanggit na kaso na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Benito Soliven Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon bago iapasakamay sa court of origin.

--Ads--