--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ang dalawang magkahiwalay na near-drowning incident ang Coast Guard District Northeastern Luzon nitong Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ensign Christian Pascua, Assistant Public Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na unang naitala ang unang insidente ng pagkalunod bandang 2:50 ng hapon ng Abril 17 sa Sabang Beach, Baler, Aurora na kinasangkutan ng 5 turista.

Ang mga biktima ay sina Joy Valdez, 48-anyos, isang 15-anyos, dalawang 7-anyos at isang 9-anyos na pawang residente ng Punturin, Valenzuela.  

Habang naliligo sa dagat ay napalayo ang mga ito sa pampang at napunta sa malalim na parte matapos silang tangayin ng malakas na alon.

--Ads--

Agad n amang narespondehan ng mga kasapi ng coast guard na nagsasagawa ng day-watch patrol sa lugar ang mga biktima at dakong 2:54 ng hapon nang ma-rescue ang mga ito.

Sa ngayon ay nasa maayos na silang kalagayan at wala umano ni isa sa kanila ang napaulat na nasaktan sa insidente.

Samantala, sa kapareho ring araw ay muntikan ding nalunod ang isang lalaki sa Sabang Beach.

Kagaya ng naunang insidente ay tinangay din ito ng alon papalayo ng pampang ngunit agad din itong na-rescue ng mga awtoridad.

Ayon kay Ensign Pascua, naka-heightened alert pa rin ang kanilang hanay lalo na at inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan sa kanilang pagbabalik sa kanilang mga lugar.